January 23, 2025

Home SHOWBIZ

Dokumentaryo tungkol sa Eraserheads, ipapalabas sa Marso

Dokumentaryo tungkol sa Eraserheads, ipapalabas sa Marso
Photo Courtesy: via MB, Warner Bros. Pictures (FB)

Inilunsad na ng Warner Bros. Pictures ang trailer ng dokumentaryong magtatampok sa kuwento ng tinaguriang “most influential band” sa Pilipinas.

Sa Facebook post ng naturang motion pictures company nitong Lunes, Enero 6, makikita ang detalye kung kailan pwedeng mapanood ang “Eraserheads: Combo on the Run.”

“This is more than music—it’s their journey. Don’t miss Eraserheads: Combo on the Run in cinemas March 21–23. One weekend. One epic ride,” saad sa caption.

Humakot ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing trailer. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

"Nakaka kilabot yung pag tunog ng HULING EL BIMBO"

"Ayos ah. Kaso puro English n naman dahil for international market b yarn? Haha. American colonial mindset kelan mawawala sa Pinas? "

"Wow"

"Grabe!!"

"UNITƎD AS ONƎ "

"Nice!"

"Yeah!"

Matatandaang Disyembre 2022 noong huling magsama ang magkakabandang sina Ely Buendia, Marcus Adoro, Raimund Marasigan, at Buddy Zabala dahil sa ginanap na reunion concert.

MAKI-BALITA: Pinakahihintay na Eraserheads reunion, mangyayari sa Disyembre!