January 22, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

Darryl Yap, sinagot kung 'diversion' sa umano'y kapalpakan ni PBBM si Pepsi Paloma

Darryl Yap, sinagot kung 'diversion' sa umano'y kapalpakan ni PBBM si Pepsi Paloma
Photo courtesy: Darryl Yap, Bongbong Marcos (FB)

Sinagot ng kontrobersiyal na direktor na si Darryl Yap ang mga akusasyon sa kaniya ng netizens patungkol sa nilulutong pelikulang "The Rapists of Pepsi Paloma."

Biopic movie ito ng isa sa mga tinaguriang "Softdrink Beauties" noong dekada 80s na naging kontrobersiyal ang pagkamatay dahil sa umano'y pag-akusa at pagkaso niya ng panggagahasa kina Richie D'Horsie, Joey De Leon, at Vic Sotto na kalaunan ay naurong naman matapos niyang baligtarin at linisin ang pangalan ng tatlo.

Isa-isang inaddress ng direktor ang mga isyung ipinupukol sa kaniya, una na rito, na magsisilbing "diversion" daw ito para maalis ang tuon ng publiko sa umano'y "kapalpakan ni Bongbong," o ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.

“'Itong Pepsi Paloma, diversion ito sa kapalkapan ni Bongbong'" saad ni Yap sa kaniyang Facebook post

Pelikula

Barbie Forteza, magkakaroon ba ng pelikua; sinong leading man?

Sagot niya, "GUSTO KO NGA MAGRESIGN YAN, DIVERSION PA!"

Itinanggi rin ng direktor na propaganda ito para malihis ang isyu sa korupsyon, demolition job sa mga Sotto, at para malinis din ang pangalan nila.

Post ng direktor:

“Itong Pepsi Paloma, para ito mawala ang atensyon ng publiko sa kurapsyon”

-MUKHA BA KONG LONE BETTOR SA LOTTO!

“Itong Pepsi Paloma demolition job ito against Sotto”

-ANO ANG IDEDEMOLISH, Senatoriable naman siya, 12 ang pwesto. EH ANO KUNG MAKADUTERTE AKO— nagharap na sila sa VP ELECTION, nagdemodemolish ba ko? kailangan ba?

“Itong Pepsi Paloma, lilinisin ang pangalan ng mga Sotto”

-wala akong konek sa kanila, at hindi ako Janitor para maglinis ng kalat ng iba.

"Tang ina nyo,"

"Gusto nyo tungkol sa Pulitika nyo na lang lahat—"

"kung wala kayong buhay sa labas ng pamumulitika, wag nyong lahatin ang mga tao."

"kaya ko ginawa ang Pepsi Paloma ay para talaga sa inyo! ina nyo!"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ng mga Sotto o maging si PBBM tungkol dito.