January 08, 2025

Home BALITA National

300 Afghan nationals nasa 'Pinas na; pansamantalang mananatili sa bansa habang hinihintay US visa

300 Afghan nationals nasa 'Pinas na; pansamantalang mananatili sa bansa habang hinihintay US visa
photo courtesy: Philippine News Agency (PNA)

Dumating na sa Pilipinas nitong Lunes, Enero 6, ang tinatayang 300 Afghan nationals na pansamantalang mananatili sa bansa habang hinihintay ang kanilang US visa, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon sa DFA, dumating sa bansa ang Afghan nationals para sa pagproseso ng kanilang US Special Immigrant Visas (SIV), na kinakailangan para sa kanilang paninirahan sa US. 

Inaasahan ang pananatili ng 300 Afghan nationals—na higit kalahati sa kanila ay mga menor dedad—sa loob 59 na araw habang hinihintay ang kanilang US visa, kung saan pinagkalooban sila ng DFA ng Philippine entry visa. 

Sa gitna ng pagkabahala ng publiko sa national security ng bansa, nilinaw ng DFA na nag-isyu sila ng naaangkop na Philippine entry visa alinsunod sa kasalukuyang mga alituntunin at regulasyon.

National

Department of Migrant Workers, nagbabala sa pekeng OEC

"All applicants completed extensive security vetting by Philippines national security agencies," saad ni DFA spokesperson Ma. Teresita Daza. "They also underwent full medical screening prior to their arrival in the Philippines."

“The processing of each applicant by the US Embassy here in Manila should be completed within that 59-day period. (The agreement) will cover only a group of 300 applicants, all of whom should be processed and relocated, removed in no more than 100 days from the date of arrival of the first applicants,” ayon pa kay Daza.

Samantala, ayon sa isang Philippine official, hindi raw refugees ang mga Afghan na dumating sa Pilipinas. 

“These are not dangerous refugees. These are individuals that had long extensive and secure cooperation with the US over the years in Afghanistan,” anang Philippine official. 

Sa ilalim umano ng kasunduan ng Pilipinas at US, ang US government ang susuporta sa pangangailangan ng mga Afghan nationals habang nananatili sa Pilipinas. Kabilang dito ang "food, housing, medical care, security and transportation expenses."