January 07, 2025

Home BALITA Metro

PNP at AFP, paiigtingin seguridad para sa Traslacion 2025

PNP at AFP, paiigtingin seguridad para sa Traslacion 2025
(MB file photo)

Libo-libong personnel ang ide-deploy ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) para matiyak ang seguridad ng mga deboto sa Traslacion ng Pista ng Hesus Nazareno sa darating na Huwebes, Enero 9, 2025.

Sinabi ni Gen. Rommel Francisco Marbil, hepe ng PNP, na ide-deploy ang mga pulis mula sa Metro Manila at iba pang mga yunit sa mga pangunahing lugar, kabilang ang ruta ng prusisyon, high-density locations, at mga itinalagang entry at exit point, habang sisiguruhin ng specialized units para sa crowd control ang maayos na daloy ng prusisyon.

Magde-deploy din ang Philippine Coast Guard (PCG) ng kanilang mga tauhan sa Pasig River route ng Traslacion.

Sinabi ni Marbil na mahigpit na babantayan ng PNP Intelligence Group at Anti-Cybercrime Group (ACG) ang anumang potensyal na physical at digital threats.

Metro

‘Di naman ako artista!’ Sagot ni Vico Sotto sa interview hinggil sa ‘The Kingdom,’ kinaaliwan

“Medical teams and quick-response units will be strategically positioned to provide immediate assistance when needed, while the Highway Patrol Group (HPG) and local traffic enforcers will manage traffic flow and implement rerouting schemes to minimize disruptions for both devotees and the general public,” ani Marbil.

Kamakailan lamang ay inihayag ng National Capital Region Office na magde-deploy sila ng 12,168 personnel upang i-secure ang kaganapan habang 2,306 personnel mula sa iba pang unit ang magsisilbing augmentation force. 

Batay sa mga dumalo sa mga nakaraang taon, milyon-milyong mga deboto ang inaasahang dadagsa sa iba't ibang lugar sa Maynila para sa Traslacion. 

Sinabi ni Marbil na nakagawa na sila ng extensive security preparations upang matiyak ang isang ligtas, maayos, at makabuluhang kaganapan para sa lahat ng mga kalahok.

Isa na rito ang pagpapatupad ng gun ban mula Enero 8 hanggang 11 na inanunsyo ng Manila Police District (MPD).

“Traslacion is a profound expression of faith and devotion. The PNP is fully committed to safeguarding every devotee, dedicating all necessary resources to ensure peace and order during this sacred occasion,” saad ni Marbil. 

Samantala, hinimok ni Marbil ang publiko na sundin ang security protocols, kabilang na ang pag-iwas sa pagdadala ng mga ipinagbabawal na bagay tulad ng mga bladed o matulis na bagay, backpack, o anumang bagay na maaaring magdulot ng mga panganib sa kaligtasan. 

Aniya, layon ng naturang mga hakbang na mapadali ang maayos na inspeksyon at matiyak ang pangkalahatang kaligtasan ng mga deboto.

“We call on devotees and the public to cooperate with security protocols, report any suspicious activities, and prioritize safety. Your vigilance and cooperation are vital to the success of this event,” ani Marbil.  

“Security is a shared responsibility. Through unity and collaboration, we aim to make Traslacion 2025 a secure and spiritually enriching experience for everyone,” dagdag niya.

Sinabi ni Marbil na ilalabas ang mga regular na advisories upang mabalitaan ang publiko sa safety guidelines at updates tungkol sa kaganapan.

 

AFP at PCG

Magde-deploy ang AFP Joint Task Force-National Capital Region (JTF-NCR) ng humigit-kumulang 1,000 personnel habang imo-mobilize ng PCG ang kanilang Coast Guard District-NCR na nilagyan ng mga watercraft at rubber boat upang tulungan ang 14,000-security contingent mula sa Philippine National Police ( PNP).

“In coordination with the organizer of the activity, the PCG will provide a medical team in the designated area where we will be tasked to man the post. Our personnel will also be stationed near the Pasig River to ensure quick response if ever there will be an untoward incident. We all know that the thick crowd might cause anybody to fall from the bridge along the procession route,” ani PCG spokesperson Commodore Algier Ricafrente sa isang radio interview sa dzBB nitong Linggo, Enero 5.

“Our personnel will be on standby onboard small boats and rubber boats to guard all the bridges along the procession route,” dagdag niya.

Samantala, sinabi ni Colonel Rommel Recinto, deputy commander ng AFP's JTF-NCR, na tungkulin ng mga tauhan ng Philippine Army, Philippine Navy, at Philippine Marine Corps na tiyakin ang kaligtasan ng mga deboto na lalahok sa tradisyonal na “Pahalik” sa Quirino Grandstand .

Magpapatrolya rin ang mga tauhan ng militar sa mga entry at exit points sa buong Metro Manila upang matiyak ang kaligtasan ng mga deboto na kalahok sa Traslacion.

Ayon sa AFP, isang batalyon ng Marines ang magi-standby para sa mabilis na deployment kung kinakailangan.

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Ruta para sa Traslacion sa pagdiriwang ng Feast of Jesus Nazareno

Aaron Recuenco at Martin Sadongdong