Nanawagan si Pope Francis sa mga magulang at guro na gumawa ng mga paraan upang matigil na ang “bullying” hindi lamang sa mga paaralan kundi maging sa mga tahanan.
Sa kaniyang speech sa Vatican nitong Sabado, Enero 4, na inulat ng Associated Press, hinikayat ni Pope Francis ang nakikinig na 2,000 Italian na mga guro, edukador, at magulang na labanan ang bullying na wala raw itong maidudulot na mabuti.
“If, at school, you wage war among yourselves or engage in bullying, you are preparing for war, not for peace,” saad ni Pope Francis.
Pinuri naman ng papa ang educational efforts ng mga paaralan upang itaguyod ang “kapayapaan” na tinawag niyang mahalaga para sa isang mas makatarungan at nagbubuklod-buklod na lipunan para sa lahat.
Kaugnay nito, binanggit din ni Pope Francis ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan sa mga pamilya dahil nakatutulong daw ito upang lumago ang bawat isa bilang mabuting indibidwal.
“It is dialogue that makes us grow,” saad ni Pope Francis.