Halos naging palaisipan sa netizens ang isang eroplanong tila nag-time travel daw nitong Bagong Taon.
Ayon sa ulat ng ilang international media outlets, noong New Year nang lumipad ang passenger plane mula sa Hong Kong. Matapos daw ang halos 12 oras na biyahe, nag-landing ito sa Los Angeles sa petsa na Disyembre 31, 2024.
Batay sa Travel Radar, tumawid sa isang imaginary line na tinatawag na International Date Line (IDL) ang naturang eroplano na siyang naging dahilan umano kung bakit tila literal daw na nag-time travel ito.
Ayon sa National Geographic, ang IDL ay isang imaginary line mula North at South Pole na siyang naghihiwalay naman sa kanluran at silangang bahagi ng mundo.
“The date line, also called the International Date Line, is a boundary from which each calendar day starts. Areas to the west of the date line are one calendar day ahead of areas to the east,” anang National Geographic sa kanilang opisyal na website.
Hindi na raw bago sa mga trans-Pacific flights ang “mag-time travel” sa tuwing tumatawid sa IDL. Katunayan kalimitan daw sa mga passenger planes na nakaranas nito ay ang Hawaiian Airlines, Air New Zealand and Fiji Airways