May sagot ang direktor na si Darryl Yap sa isa sa tinaguriang "Softdrink Beauties" ng dekada 80 na si Sarsi Emmanuelle, matapos magkomento sa kontrobersiyal na pelikulang "The Rapists of Pepsi Paloma" na isa sa mga bagong proyekto ng una ngayong 2025.
MAKI-BALITA: KILALANIN: Sino-sino ang 'Softdrink Beauties' ng '80s?
Ibinahagi ni Yap sa kaniyang Facebook post noong Biyernes, Enero 3, ang screenshot ng komento ni Sarsi na tila kumukuwestyon kung paano nakakuha ng detalye ng istorya ang direktor, para magawa ang biopic movie ni Pepsi.
"At sino ang nag relay ng story sa director? Dba patay na yung tao? Siya lang ang may alam ng totoo. Saan nila kinuha yung story," mababasa sa komento ni Sarsi sa isang post.
Resbak naman ni Direk Darryl, "Napakaconvenient kasi dito kay Sarsi Emmanuelle na patay na ang pinag-uusapan. Kegimik yun o totoo? May nagawa ka ba? Bakit? Close ba kayo ni Pepsi? Nung namatay siya saka kayo sumikat! WAG MO KO PALALABASING SINUNGALING. Hintayin mo ang pelikula."
Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang teaser 1 ng pelikula matapos mabanggit ang pangalan ni "Eat Bulaga" host Vic Sotto.
MAKI-BALITA: Vic Sotto, trending matapos mabanggit sa teaser ng 'The Rapists of Pepsi Paloma'
Oktubre 2024 nang inanunsyo ni Direk Darryl na gagawa siya ng pelikulang magtatampok sa buhay ni Pepsi Paloma, na gagampanan ng dating child star na si Rhed Bustamante.
MAKI-BALITA: Sino si Rhed Bustamante, ang gaganap na 'Pepsi Paloma' sa pelikula ni Darryl Yap?
Palaisipan sa mga netizen kung papasa ba ito sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) dahil ang kasalukuyang chairman nito ay si Lala Sotto-Antonio, anak ng reelectionist sa pagkasenador na si Tito Sotto III, na kuya naman ni Vic.
MAKI-BALITA: Netizens, curious kung lulusot sa MTRCB ang 'The Rapists of Pepsi Paloma'