January 07, 2025

Home BALITA National

Dalawang senador, suportado pagkasibak kina VP Sara, FPRRD sa NSC

Dalawang senador, suportado pagkasibak kina VP Sara, FPRRD sa NSC
Photo courtesy: NSC, OVP/Facebook

Dalawang senador ang nagpahayag ng suporta sa pagkakatanggal nina Vice President Sara Duterte at dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang mga miyembro ng National Security Council.

Sa panayam ng isang local media outlet kay Senator Francis Tolentino noong Sabado, Enero 4, 2025, iginiit niyang discretion na raw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. kung sino ang iluluklok niyang mga miyembro ng nasabing konseho lalo pa’t malawak raw ang saklaw ng NSC.

“It’s the prerogative of the President, it’s the discretion of the President because national security definition is not just national security as everybody knows,” ani Tolentino.

Dagdag pa niya: “It covers foreign relations. It also covers economic, social, security, etc. So he chooses whoever he thinks can give him advice regarding things that require advice, like on foreign policy, legislation, domestic and internal security policy. It’s up to him.”

National

Makabayan bloc, magpapameeting sa mga naghain ng impeachment complaints laban kay VP Sara

Matatandaang noong Enero 3 nang aprubahan ni PBBM ang pagreorganisa sa miyembro ng NSC kung saan kasamang inalis sina VP Sara at ilang  nga dating Pangulo ng bansa kasama sina dating Pangulong Gloria Arroyo at Joseph Estrada. 

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, nireorganisa NSC; inalis si VP Sara at mga dating pangulo sa konseho

Binanggit naman ni Sen. Sherwin Gatchalian ang umano’y kasalukuyang sitwasyon daw na maaaring nagtulak sa Pangulo upang ireogranisa ang NSC kung kaya’t napilitan daw itong alisin kasama si VP Sara. 

“We know the real situation,” ani Gatchalian. Giit pa niya: “What’s important is that current members would be able to give him good advice, and for him to make the right decision for the country. It’s the President’s prerogative after all to choose who he thinks can give him proper advice.”

Samantala, wala pang inilalabas na pahayag ang kampo nina VP Sara at FPRRD hinggil sa pagkakaalis nila bilang mga miyembro ng National Security Council.