January 07, 2025

Home BALITA National

Bulkang Kanlaon, halos 2 oras nagbuga ng abo — Phivolcs

Bulkang Kanlaon, halos 2 oras nagbuga ng abo — Phivolcs
Bulkang Kanlaon (Courtesy: Phivolcs/FB)

Umabot sa halos dalawang oras ang naitalang pagbuga ng Bulkang Kanlaon ng abo sa nakalipas na 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Linggo, Enero 5.

Base sa ulat ng Phivolcs, 111 minuto ang haba ng naging pagbuga ng Kanlaon, na nakataas pa rin sa Alert Level 3 (magmatic unrest) 

Bukod dito, naitala rin ang 23 volcanic earthquakes kabilang ang tatlong volcanic tremors, na tumagal ng apat hanggang 111 minuto.

Nagbuga ang bulkan ng 3,469 tonelada ng sulfur dioxide noong Sabado, Enero 4.

National

Makabayan bloc, magpapameeting sa mga naghain ng impeachment complaints laban kay VP Sara

Samantala, inihayag din ng Phivolcs ang pagbuga ng namamagang bulkan ng plume na may taas na 500 metro, na napapadpad sa timog-kanlurang bahagi nito.

Dahil dito, ipinayo ng ahensya ang paglikas ng mga nakapaloob sa anim na kilometrong (6 km) radius mula sa tuktok ng bulkan.

Ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa tuktok ng Kanlaon.

Matatandaang noong Disyembre 9 nang itaas ng Phivolcs sa alert level 3 ang Bulkang Kanlaon kasunod ng naging pagputok nito.

MAKI-BALITA: Bulkang Kanlaon, itinaas na sa Alert Level 3!