Ibinahagi ni Kapuso actor Miguel Tanfelix akung ano ang itatampok nila sa upcoming GMA Prime teleserye na “Mga Batang Riles.”
Sa eksklusibong panayam ni GMA showbiz news reporter Nelson Canlas kamakailan, sinabi ni Miguel na sasalaminin daw ng naturang serye ang tunay na buhay.
“'Yong story po namin sumasalamin talaga sa mga tunay na buhay na nawi-witness araw-araw, ‘di ba? ‘Yong mga nakatira talaga sa gilid ng tren,” saad ni Miguel.
Dagdag pa niya, “So, gusto namin, mas close sa reality, mas maganda.”
Ayon kay Miguel, bagama’t hindi sila nagsagawa ng immersion para sa serye, naglalaan sila ng kaunting oras para makipag-usap sa mga residenteng nakatira sa tabi ng riles kung saan doon mismo nila kinunan ang mga eksena.
“Kahit papaano, may glimpse kami kung paano sila mamuha,” aniya.
Mapapanood na simula bukas, Lunes, ang “Batang Riles” sa timeslot na katapat ng “FPJ’s Batang Quiapo” ni Kapamilya Primetime King Coco Martin.
MAKI-BALITA: Sinong 'bata' ang mas matapang? Mga Batang Riles, tatapatan Batang Quiapo?