Mariing kinondena ni dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares ang naging pagtaas ng contribution rate ng Social Security System (SSS) sa 15% ngayong taon sa gitna raw ng patuloy na tumataas na presyo ng mga bilihin sa bansa.
Matatandaang kamakailan lamang ay inanunsyo ng SSS na epektibo na mula noong Enero 1, 2025 ang paniningil nila ng 15% na kontribusyon sa kanilang mga miyembro, mula sa 14%, alinsunod umano sa Social Security Act of 2018 (RA 11199).
MAKI-BALITA: 15% na kontribusyon ng SSS, para daw sa lifetime security?
Sa isa namang pahayag nitong Biyernes, Enero 3, tinawag ni Colmenares ang pagtaas ng SSS contribution na karagdagang pasanin para sa mga manggagawang Pilipino na nahihirapan na raw sa mataas na bilihin mula 2024.
"This SSS contribution hike is absolutely unconscionable. Workers are already dealing with increased water rates from both Maynilad and Manila Water, higher electricity rates from Meralco, and now they have to shoulder bigger SSS contributions," giit ni Colmenares.
Binanggit din ng labor rights advocate na hindi naman umano ganap na naisakatuparan ang ipinangakong ₱1,000 pension increase sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, subalit mabilis daw na ipinatupad ang awtomatikong pagtaas ng kontribusyon ng SSS.
"Ang kapal ng mukha ng SSS na magtaas ng contribution rate habang hindi pa nga naibibigay ang pangakong dagdag-pensyon,” ani Colmenares.
“Para sa SSS board, mas mahalaga pa ang fund life ng SSS at ang matataas nilang sahod at perks kaysa sa buhay ng mga miyembro nito na pinanggagalingan naman ng pondo ng ahensya. SSS is just like Philhealth which is obsessed with its funds rather than the benefits of its members” dagdag niya.
Kaugnay nito, ipinanawagan ni Colmenares ang agarang pagsuspinde ng bagong SSS contribution rates.
"The SSS has not even explained its current collection rate. Why impose new rates when they can't even efficiently collect the old ones? The new rates must be suspended until SSS has demonstrated improved collection efficiency," aniya.
"This is a classic case of passing the burden to ordinary workers while failing to address fundamental issues in collection and management. The SSS should focus first on improving its collection efficiency and reducing unnecessary expenses before implementing any rate increases.”