February 13, 2025

Home FEATURES Human-Interest

Third date, s*x na dapat? Post ng netizen tungkol sa manliligaw, usap-usapan

Third date, s*x na dapat? Post ng netizen tungkol sa manliligaw, usap-usapan
Photo courtesy: Pixabay

Sa pag-inog ng makabagong panahon ay nagbago rin ang ilan sa mga tradisyonal na gawi at norm ng mga Pilipino gaya na lamang ng "dating." Kung noon, obligado ang isang lalaking manliligaw na mangharana sa tapat ng bahay ng babaeng liligawan, aakyat ng ligaw sa mismong bahay upang magpakilala nang maayos sa mga magulang at kapamilya, ngayon ay bihira na lamang ang gumagawa nito; lalo pa't nagsulputan ang iba't ibang dating apps at siyempre, social media.

Kaya naman pinagmulan ng usap-usapan at diskusyunan ang isang post ng isang anonymous sender sa page na "TCU Secret Files" matapos niyang ibahagi ang kaniyang karanasan sa isang manliligaw, na humihirit na agad na may mangyari sa kanila kahit tatlong beses pa lamang silang lumalabas para sa isang date.

Hindi raw siya makapaniwalang hihiritan na siya ng kaniyang manliligaw dahil "decent man" pa naman daw ang ipinakitang imahe nito sa kaniya. Isang buwan pa lamang daw ang paniningalang-pugad nito sa kaniya at tatlong beses pa lamang silang nagde-date.

"Third date means s3x?" aniya sa post noong Enero 2, 2025.

Human-Interest

'Nurse Nemo' nagpaalala sa mga ekis na lubricant sa 'bakbakan'

"Hi I would just like to clarify kung totoo ba tong saying na to? He started courting me as a decent man kaya di ko ineexpect na magiging ganyan sya."

"Magkaklase kami pero 1 month palang syang nanliligaw gusto na agad may mangyari samin."

"Lakas pa mang-gaslight kasi nasayang daw oras nya sakin. Pero totoo po bang third date means s3x?"

Kalakip ng post ang isang screenshot na nagpapakita sa kanilang pribadong usapan.

Mababasang mismong nanggaling na sa manliligaw na hihinto na siya dahil hindi man lang daw nakaramdam ang kaniyang nililigawan sa third date nila.

Paliwanag ng mysterious guy, "Most of the people that are dating knows the third date means sex."

"Naging patient ako sayo for 5 weeks and I think we're not compatible."

"No hard feelings, kikitain ko naman ulit yung nagastos ko sayo. Maliban lang dun sa sinayang kong oras. Salamat."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Sino sabi 3rd date means sex? Yung iba nga first meet palang eh huyyyyy"

"Walang ganyang rule sa dating! Apakadami nang HIV cases sa Pinas. Dun pa lang matakot na tayo."

"Nope. Gagamitin ka lang nyan tapos iiwan ka. Any decent man wouldn't be THAT persuasive in doing it with you."

"Lapag muna siya ng health report kung wala siyang STD bago siya gumanyan ganyan. In all seriousness, this is not real walang ganyan sa dating. You can always choose abstinence until you're 100000000% comfortable with being more intimate."

"Hindi ako makarelate, single kasi ako."

"Third date pala dapat hahaha kala ko kasi unang date eh hahahaha charot"

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 32k reactions, 8.4k shares, at 2.4k comments ang nabanggit na post.