January 06, 2025

Home FEATURES Human-Interest

Tagahugas ng pinagkainan sa family reunion, pinakamahirap sa angkan?

Tagahugas ng pinagkainan sa family reunion, pinakamahirap sa angkan?
Photo courtesy: Pixabay/Pexels

Pinagmulan ng diskusyunan ng mga netizen ang video ng isang TikTok user na nagngangalang Christian Velasco Mutya (@kristyano12)  patungkol sa mga tagahugas ng pinagkainan at pinaglutuan sa tuwing nagkakaroon ng family reunion.

Kamakailan lamang ay ipinagdiwang ng karamihan sa mga Pilipino ang Pasko at Bagong Taon, na nagiging daan na rin sa muling pagkikita-kita at pagsasalo-salo ng mga magkakapamilya at magkakamag-anak.

Ayon sa TikTok video, kung sino raw ang pinakamahirap sa angkan, sila raw ang kadalasang nakatoka sa paghuhugas ng mga kasangkapang ginamit sa pagluluto gayundin sa mga pinagkainan.

Mababasa sa text caption ng video, "Family Reunion"

Human-Interest

'Nasaan ka Mimay?' 14-anyos na may special needs, halos 1 buwan nang nawawala

"Kung sino pinaka mahirap sa ANGKAN nyo sila ang taga hugas."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Alangan naman yung mga kamag-anak na rich people pa nag mag hugas e sila na nga bumili ng mga foods."

"Hindi kami mahirap, sadyang may mga ibang fam na feeling mayayaman eme"

"mali, kung sino ang pinaka matured at well disciplined na pamilya ang taga hugas"

"mama ko ang pinakabata sa magkakapatid nila and siya lang ang successor sa magkakapayid at siya lang ang stable finalcially kaya whenever may family reunion, she always makes sure na wala sa mga+"

"no hate po pero di naman po kasalanan ng mayayaman na nag pursigi sila sa buhay and diko naman sinasabing di nag pursigi ung mahihirap ngunit deserve naman cguro ng mga nagpursigi sa buhay."

"sa father side ko, pag mag bakasyon kame si mama lahat gumagawa sa house chores."

"totoo po yan. especially sa mother side ko. My mom always tells me na magwash ng dishes kasi madamk na daw hugasin."

"masama ba mag hugas? kung tingin nyong ndi kau nakapag ambag or wala kayong tulong financial sa mga handaan, wala naman mali don kung ung mga walang naitulong unh mag huhugas"

"I honestly don't see anything wrong with this. It's your mom who insisted first because she's being responsible. Even I would volunteer to do it if I see piling dishes. "

"Depende sa pamilya. Kuya kong panganay yung mayaman. Sila namalengke, kami nila mama nag luto at yung isang kuya ko pati asawa niya. Tapos pinaglutuan mo, hugas mo para walang masabi sa isat isa."

"Anong mali sa pagiging taga hugas? "

"For me, wala naman kinalaman sa estado ng buhay yan. Kung kami na average fam tas may bitbit lagi sa gatherings eh nagkukusa talaga kami na maghain, maghugas at maglinis."

"Sa family namin, if may special event. if wla kamjng ambag sa event(Ex. Food, Money etc.) Bilang isang matino na tao HAHA automatic gagawin ko din yng pag huhugas. simple way para may ambag."

"ang hirap sa ganyang situation talaga naalala ko noon family reunion namin sa side ng mama ko kita ko talaga pagod niya mag asikaso ng mga kapatid niya na kala mo talaga antaas na nila kumpara samin."

"Simula nung kami na yung gumagastos sa lahat tuwing my okasyon, palaging sinasabi ng mga tita namin bakit kami pa rin yung nag uurong at nag aasikaso habang kumakain ang lahat. Kasi kami pa rin to."

"this is my opinion only ha pero doesn’t mean na kayo taga hugas every family reunion or family gathering ay kayo na pinakamahirap, may mga factors kasi na baka ayaw lang natin na nakakakita ng kalat."

"sense of responsibility lang yan, don’t take it the wrong way lalo na kapag hindi nag ambag financially sa handa, may nga taong kusang loob gagawin yan. wala namang masama sa pag huhugas ng plato."

"not in my watch..i will not allowed my family to attend any reunion just to hugas pingan at taga luto?"

"Totoo to, lagi ‘yong pamilya namin inuutusan, nagluluto, naghuhugas tapos sila nag-iinuman lang. kaya simula last last year hindi na kami sumama sa reunion, kasi alam namin kami lang ang kikilos."

"Katulad din lang yan sa outing with friends. Usually sa amin is nagkukusa na yung walang naambag financially. I mean, I'll do the same. Nakakahiya naman na wala akong ambag."

Ikaw, anong masasabi mo tungkol dito?