Isang aso sa South Korea ang naulila matapos makasama ang kaniyang “fur family” sa plane crash na nangyari sa kumitil ng 179 katao noong Disyembre 29, 2024.
KAUGNAY NA BALITA: May Pinoy kaya? Eroplano sa South Korea nag-crash, 96 patay!
Ayon sa ulat ng ilang international news outlet, nasagip ng Korean animal rights group na Coexistence of Animal Rights on Earth (CARE) ang nasabing aso na nagpapagala-gala na lang daw sa kanilang lugar.
Kinilala ang aso na si “Pudding” na alaga raw ng 79 taong gulang na lalaking kasama sa mga nasawi sa nasabing plane crash. Kabilang din sa mga hindi nakaligtas ang kaniyang asawa, dalawang anak, manugang at mga apo.
Ayon sa CARE, nagawa naman daw nilang makipag-ugnayan sa isa sa mga kaanak ng mga biktima at nagdesisyon na umano silang kupkupin si Pudding.
Kasalukuyang nasa isang veterinary hospital ang nasabing aso, matapos umano itong makakain ng ilang mga buto ng manok. Dagdag pa ng CARE, sila raw muna ang pansamantalang mangangalaga kay Pudding habang hindi pa raw ito nakakahanap ng bagong tahanan.