January 07, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Igan sa mga kalat sa Bagong Taon: 'Totoo ba na ang mga Pilipino ay burara at baboy?'

Igan sa mga kalat sa Bagong Taon: 'Totoo ba na ang mga Pilipino ay burara at baboy?'
Photo courtesy: Arnold Clavio (IG)

Nagbigay ng reaksiyon ang GMA news anchor na si Arnold Clavio tungkol sa mga nakolektang basura sa nagdaang pagsalubong sa Bagong Taon.

Kagaya kasi ng mga nagdaang taon, puro kalat pa rin ang bumungad sa pagpasok ng 2025.

"EHEM: Susmarigundong naman na buhay ire! Bagong taon peo lumang pag-uugali," mababasa sa Instagram post ni Igan nitong Sabado, Enero 4.

Napatanong ang mamamahayag kung totoo bang ang mga Pilipino ay "burara" at "baboy."

Tsika at Intriga

Di na alam salitang love life: Piolo 13 years na palang single, bakit kaya?

"Totoo ba na ang mga Pilipino ay burara at baboy? Kanino na bang pagkukulang ang santambak na basura sa kalye matapos ang pagsalubong sa 2025? Sa lokal na pamahalaan ba o sa mamamayan?" aniya.

"Narinig ko nga eh bago magpasko’t bagong taon ay kasisipag ng mga basurero. Pero ngayon , ayaw nang magparamdam."

Naikonekta ng mamamahayag ang waste management sa katiwalian sa mga lokal na pamahalaan.

"Isa sa pinakamalaking source ng katiwalian ay ang basura o waste management. Lahat ng may hawak ng kontrata pansinin ninyo, halos lahat malapit o kamag-anak ni Mayor!"

May mensahe rin si Igan sa mga ordinaryong mamamayan.

"Puwede naman na itapon ang basura sa labas ng ating bahay pero dapat ay may maayos na sistema, disiplina at konsiderasyon. Hindi yung basta basta na lamang tinatapon kung saan-saan."

"Tandaan, ang basurang itinapon mo ay babalik sa iyo. Mahalin natin ang ating paligid."

Pero ayon sa mga ulat, nabawasan daw ang mga kalat na nakolekta sa nagdaang pagsalubong sa Bagong Taon bagama't ang hangin daw sa Metro Manila ay nasa "unhealthy" level na dahil sa pagdagdag ng usok mula sa mga paputok at fireworks displays.