January 06, 2025

Home BALITA Internasyonal

Hanoi, Vietnam, idineklara bilang 'most polluted city' sa buong mundo

Hanoi, Vietnam, idineklara bilang 'most polluted city' sa buong mundo
Photo courtesy: AP News

Naitala sa Hanoi, Vietnam ang pinakamataas na antas ng polusyon sa hangin noong Biyernes, Enero 3, 2025, batay sa kumpirmasyon ng AirVisual. 

Tila binalot na raw ng makakapal na "smog" ang Hanoi noong mga nakaraang linggo, matapos itong makapagtala ng mataas na antas ng hazardous small particles (PM2.5) na katumbas ng 266 micrograms per cubic meters. Ito na umano ang pinakamataas na naitala ng AirVisual—isang independent global air pollution information.

Bilang isa sa mga bansa sa Timog Silangang Asya na kilala bilang "fastest growing economy," posible raw na nagmumula sa industrial activities, heavy traffic at pagsusunod ng mga basura ang ilan sa mga primarya raw na dahilan ng patuloy na pagkapal ng air pollution sa Hanoi, na siyang kabisera ng Vietnam. 

Kaugnay nito, ayon sa ulat ng ilang international media news outlets, isinusulong na raw ng pamahalaan ng Vietnam ang pag-transition nila sa paggamit ng electric vehicles (EVs) upang makabawas daw ang kanilang sektro ng transportasyon sa polusyon.

Internasyonal

Pope Francis, nanawagan sa mga magulang, guro na labanan ‘bullying’

Minamatahan din umano ng Vietnam na pumalo na sa 50% ng mga bus at 100% ng mga taxi sa kanilang bansa ang maging EVs hanggang 2030.