Nakaamba ang panibagong oil price hike sa susunod na linggo ng 2025, alinsunod sa anunsyo ng oil industries.
Narito ang inaasahang pagtaas ng presyo ng gasolina, diesel, at kerosene:
Gasoline: ₱0.40 - ₱0.70 per liter
Diesel: ₱0.75 - ₱1.00 per liter
Kerosene: ₱0.70 - ₱0.80 per liter
Ayon sa ulat ng GMA News online, umabot ng ₱12.75 per liter ang kabuuang itinaas ng presyo ng gasolina noong 2024 habang pumalo naman ng ₱11.00 per liter sa diesel.
Samantala, nilinaw din ng Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau (OIMB) na nananatili pa rin umanong nakaapekto ang geopolitical risks sa pandaigdigang merkado ng presyo ng langis at gasolina.
Kaugnay nito, inihayag din ng Jetti Petroleum na isa ang mababang exportation ng langis ng China ang isa rin sa umano sa mga nakakaapekto sa supply ng karatig bansa, na siyang naging dahilan ng pagtaas ng presyo.