Pumanaw na ang kinikilalang “World's oldest living Olympic champion” na si Agnes Keleti sa edad na 103 taong gulang.
Ayon sa ulat ng Olympics, pumanaw si Keleti nitong Huwebes, Enero 2, 2025 dahil umano sa pneumonia.
Si Keleti ang minsan ng naging pambato ng Hungary matapos siyang kilalanin bilang 10-time Olympic medallist para sa gymnastics.
Taong 1952 nang magsimulang humakot ng parangal si Keleti mula sa Helsinki 1852 Games kung saan umani siya ng isang gold medal, isang silver at dalawang bronze. Nasundan ito noong 1956 Melbourne Olympics kung saan humakot siya ng anim na medalya.
Kinilala rin ang naging mayabong na karera ni Keleti na kapuwa sinubok daw ng politika at relihiyon. Taong 1937 nang makabilang ang pamilya ni Keleti sa mga biniktima umano noon sa Auschwitz-Birkenau concentration camp. Habang taong 1940 naman nang pagbawalan siyang sumali sa anumang sports event dahil umano sa kaniyang Jewish origin.
Natapos ang karera ni Keleti sa Olympics na may 10 medalya, kung saan lima sa mga ito ay gold at siya rin ang pumangalawa sa Hungarian athlete of all time.