January 05, 2025

Home BALITA

15% na kontribusyon ng SSS, para daw sa lifetime security?

15% na kontribusyon ng SSS, para daw sa lifetime security?
Photo courtesy: ABS-CBN News

‘This is not a cost, but an investment in their future..”

Tila umani ng samu’t saring reaksiyon ang pagtataas ng kontribusyon ng Social Security System (SSS) sa pagpasok ng 2025.

Batay sa naturang kompanya, epektibo na mula pa noong Enero 1 ang paniningil nila ng mas mataas na kontribusyon sa kanilang mga miyembro, alinsunod umano sa Social Security Act of 2018 (RA 11199), kung saan mula 14% ay pumalo na ng 15% ang kabuuang kontribusyon ng bawat miyembro sa 2025. 

Saklaw ng naturang adjustments ng Monthly Salary Credits (MSC) ang lahat ng mga empleyado, self-employed o voluntary members. 

Metro

‘Di naman ako artista!’ Sagot ni Vico Sotto sa interview hinggil sa ‘The Kingdom,’ kinaaliwan

Samantala, mababasa naman sa opisyal na website ng SSS na ang dahilan umano ng mas mataas nilang paniningil ay upang mas mapaganda pa raw ang serbisyong maaring kanilang maibigay sa bawat miyembro.

“These changes are designed to strengthen the Social Security System, at magbigay ng mas magagandang benepisyo at pangmatagalang financial security para sa lahat ng miyembro,” anang SSS.

Nilinaw din ni SSS President at CEO Rolando Ledesma Macaseat kung para saan nga ba mapupunta ang mas mataas na kontribusyon ng kanilang mga miyembro.

“By bolstering the system, we are ensuring that workers and their families are protected against risks like illness, disability, and old age. This is not a cost, but an investment in their future,” ani Macasaet. 

Nanindigan din si Macasaet na sa kabila raw ng pag-aray ng taumbayan sa bagong panukala, iginiit niyang ito rin daw ay para sa kanilang mga benepisyaryo. 

“While we understand the challenges faced by employers, we must prioritize the long-term health of the system and the well-being of the workers who rely on it,” anang SSS President.

Dagdag pa niya: “It’s not just an added expense; it’s a step toward ensuring that workers are protected throughout their lives.”