January 05, 2025

Home BALITA

Ilan sa mga inabandonang POGO hubs, balak gawing 'food banks' ng DSWD

Ilan sa mga inabandonang POGO hubs, balak gawing 'food banks' ng DSWD
Photo courtesy: ABS-CBN News and DSWD

Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na minamatahan daw nila ang ilan sa mga inabandonang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hubs sa bansa upang gawing food banks para sa kanilang programang labanan ang gutom. 

Sa panayam ng ANC, nitong Biyernes, Enero 2, 2025, kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, sinisimulan na raw nila ang assessment sa ilang mga POGO hubs na nangangailangan lamang daw ng kaunting renovation upang ma-convert daw ito bilang food banks. 

“We're looking at sites but we are targeting the other POGO centers. We're currently working with our friends over at PAOCC to make sure we get an inventory of where else we can set up soup kitchen,” ani Gatchalian. 

Dagdag pa niya: “We are doing needs assessments to make sure these areas are suitable and are accessible. There are two things we wanna look at. Are these facilities up to speed and are they located in areas that can easily be reached by our hungry families.”

National

5.5-magnitude na lindol, yumanig sa Davao Oriental; aftershocks, asahan!

Matatandaang umarangkada na ang “Walang Gutom Kitchen,” na programa ng DSWD bukas daw para sa lahat ng pamilya at indibidwal na nasa lansangan at nakararanas umano ng gutom.