January 05, 2025

Home BALITA National

Gastos ng gobyerno sa pagkansela ng 1,500 pekeng foreign birth certificates, papalo ng ₱75M?

Gastos ng gobyerno sa pagkansela ng 1,500 pekeng foreign birth certificates, papalo ng <b>₱75M?</b>
Photo courtesy: Pexels

Inihayag ni Solicitor General Menardo Guevarra na maaaring gumastos ng milyon-milyon ang pamahalaan sa pagkakansela pa lamang ng mga pekeng birth certificate ng tinatayang 1,500 dayuhan sa bansa. 

Sa panayam ng media kay Guevarra nitong Biyernes, Enero 3. 2025, nilinaw niya ang posibilidad na pumalo raw ng ₱75 milyon ang maaaring gatsusin ng pamahalaan sa paglutas nito sa isyu ng mga pekeng birth registrations.

“If we go through the usual judicial process which includes publication in many instances, the total cost for 1,500 cancellation cases may run to at least P75 million,” ani Guevarra.

Iginiit din niya na maaari naman daw itong mabawasan kung sakaling magpatupad ng batas ang Kongreso hinggil sa pagkakansela ng mga pekeng birth certificates ng ilang mga dayuhan sa bansa. 

National

5.5-magnitude na lindol, yumanig sa Davao Oriental; aftershocks, asahan!

Matatandaang noong Nobyembre 2024 nang isulong ng ilang mambabatas ang House Bill No. 11117 o ang tinatawag umano nilang “Fraudulent Birth Certificate Cancellation Law,” na naglalayong mabawasan daw ang proseso ng pagsasawalang bisa ng mga pekeng birth certificates na kalimitang inaabot ng taon. 

Nauna nang mabanggit ni Guevara kamakailan ang plano umano nilang maaksyonan ang mga foreign national sa bansa na may pekeng birth certificate, kasunod ng pagsasara ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.