January 05, 2025

Home BALITA National

DOH, nilinaw na hindi kumpirmado kumakalat na umano’y ‘international health concern’

DOH, nilinaw na hindi kumpirmado kumakalat na umano’y ‘international health concern’
DOH (MB file photo)

WALANG KUMPIRMADONG INTERNATIONAL HEALTH CONCERN!

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi kumpirmado at sinusuportahan ng reliable sources tulad ng World Health Organization (WHO) ang kumakalat sa social media hinggil sa diumano’y isang “international health concern.”

Ang naturang pahayag ng DOH ay sa gitna ng kumakalat ngayon sa social media ang diumano'y Human Metapneumovirus o HMPV sa bansang China.

Ayon sa DOH sa isang pahayag nitong Biyernes, Enero 3, wala itong kumpirmasyon sa WHO o sa nabanggit na bansa.

National

Bulkang Kanlaon, halos 2 oras nagbuga ng abo — Phivolcs

“Reliable sources currently do not support circulating posts on social media about an alleged international health concern. There is no confirmation from either the cited country or the World Health Organization (WHO),” saad nito.

“The Philippines through the Department of Health (DOH) is an active participant in the network of WHO Member States that follow the International Health Regulations (IHR). This established system is what gives reliable updates about international health concerns.”

Patuloy naman daw ng bineberipika ng ahensya ang lahat ng impormasyon tungkol sa isyu at magbibigay sila ng update sa lalong madaling panahon.

“Philippine disease surveillance systems are in place and working. The DOH is actively verifying all information, and will keep the Filipino public updated,” anang DOH.

Nagpaalala rin ang ahensya sa publikong huwag magbahagi ng mga kaduda-dudang website o online sources upang maiwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon.