January 05, 2025

Home BALITA Metro

Comelec, nanawagang huwag gamitin Traslacion sa kampanya sa politika

Comelec, nanawagang huwag gamitin Traslacion sa kampanya sa politika
Comelec Chairman George Garcia (MB photo)

Umapela ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato sa 2025 midterm elections na huwag gamitin ang taunang Traslacion procession para sa kampanya.

Sa isang press conference nitong Biyernes, Enero 3, binigyang-diin ni Comelec chair George Garcia ang kahalagahan ng pag-iingat sa espirituwal at relihiyosong katangian ng kaganapan, at nagbabala na labag sa election laws ang anumang pulitikal na pangangampanya rito.

Nakasaad sa Philippine election regulations na ipinagbabawal ang early campaign sa malalaking public events tulad ng Traslacion.

Inaasahan namang aabot sa anim na milyong mga debotong Katoliko ang makikiisa sa Traslacion ngayong taon.

Metro

‘Di naman ako artista!’ Sagot ni Vico Sotto sa interview hinggil sa ‘The Kingdom,’ kinaaliwan

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Ruta para sa Traslacion sa pagdiriwang ng Feast of Jesus Nazareno

Kaugnay nito, nagpahayag ng pagkabahala ang Comelec na maaaring subukan ng ilang kandidato na pagsamantalahan ang relihiyosong prusisyon upang palakasin ang kanilang presensya at isulong ang kanilang mga kandidatura bago ang opisyal na panahon ng kampanya. 

Pinaalalahanan ng Komisyon ang mga kandidato na maaaring humantong sa mga “legal consequences” ang pamomolitika sa naturang mga aktibidad.

Bahagi raw ang naturang panawagan ng Comelec sa patuloy na pagsisikap nito upang matiyak na mananatiling patas, transparent, at malaya sa hindi nararapat na impluwensya ang electoral process kaugnay ng nalalapit na halalan sa Mayo.

Diann Ivy Calucin