January 05, 2025

Home FEATURES

ALAMIN: Bakit inalis ang salitang ‘Itim’ sa pangalan ng ‘Poong Hesus Nazareno’?

ALAMIN: Bakit inalis ang salitang ‘Itim’ sa pangalan ng ‘Poong Hesus Nazareno’?
(Photo: John Louie Abrina/ MANILA BULLETIN)

Mula sa “Itim na Poong Hesus Nazareno” o Black Nazarene, “Poong Hesus Nazareno” o Jesus Nazarene na ang itatawag sa imahen ni Hesus sa Basilika Menor at Pambansang Dambana ni Jesus Nazareno o Quiapo Church simula ngayong Enero 2025.

Sa isang press conference nitong Biyernes, Enero 3, ipinaliwanag ng mga opisyal ng simbahan ang dahilan kung bakit tinanggal ang salitang “Itim” sa pangalan ng imahen ni Hesus sa Quiapo Church.

Ayon sa mga opisyal, hindi klaro kung saan nagmula ang pagtawag ng “Itim na Nazareno” o Black Nazarene.

Kaya naman ninais daw ng simbahan na sundin ang totoong pangalan ng Panginoong Hesus sa pamamagitan ng pagbalik sa dati nitong pangalan na “Poong Hesus na Nazareno” at pag-alis na salitang “Itim” dito.

Human-Interest

'Nasaan ka Mimay?' 14-anyos na may special needs, halos 1 buwan nang nawawala

Sa darating na Huwebes, Enero 9, gaganapin ang Traslacion sa pagdiriwang ng Feast of Jesus Nazareno.

Inanunsyo na rin ng simbahan ang mga ruta para sa Traslacion, habang idineklara naman na ng Malacanang ang Enero 9 bilang special non working holiday sa siyudad ng Maynila para rito.

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Ruta para sa Traslacion sa pagdiriwang ng Feast of Jesus Nazareno