Muling nanalo sa usapin ng "Eat Bulaga/EB" trademark sina Tito Sotto III, Vic Sotto, at Joey De Leon laban sa apela ng Television and Production Exponents Incorporated (TAPE, Inc.) kasama na ang GMA Network, ayon sa desisyon ng Court of Appeals (CA) 9th Division.
Matatandaang nagkaroon ng legal na usapin patungkol sa trademark at logo ng Eat Bulaga sa kasagsagan ng pag-alis ng TVJ sa ilalim ng TAPE, Inc. na pagmamay-ari ng pamilya Jalosjos.
Sa latest update tungkol sa apela ng Jalosjos family tungkol sa usapin, kinatigan ulit ng korte ang TVJ patungkol dito, at kinilala ang TVJ kasama pa si Jenny Ferre, na sila ang rightful owner ng Eat Bulaga trademark.
Ayon pa sa CA, hindi raw nagkamali ang Marikina Regional Trial Court (RTC) Branch 273 sa nauna nilang desisyong pumapabor sa TVJ.
KAUGNAY NA BALITA: TVJ, nanalo sa ‘EB’ trademark case vs. TAPE
“The exclusive right of scientists, inventors, as well as artists and gifted citizens – like respondents Tito, Vic, and Joey and Jeny here – over their intellectual property and creations, must be protected and secured,” saad ng CA.
“Awareness of, and compliance with, intellectual property laws is certainly the obligation of all persons, natural or juridical. To attain the advantages provided by society’s scientists, inventors, artists, and other gifted citizens, there must be respect for and enforcement of their rights and one way to carry this through is to guard against unauthorized trespass,” dagdag pa.