Ipinagmalaki ng Department of Tourism (DOT) na muli na raw nakakabawi ang bansa sa sektor ng turismo, matapos itong maparalisa sa kasagsagan ng pandemya noong 2020.
Ayon kay DOT Secretary Christina Garcia Frasco, malaki na raw ang ipinagbago ng bilang ng mga turistang piniling bumisita sa bansa noong 2024.
“Therefore, beyond quantity, we are attracting quality, yielding more revenues for our stakeholders, (and) more jobs for our people. And as we have focused on elevating the quality of tourism in the Philippines and diversifying our tourism products, tourists are staying longer in the Philippines,” ani Frasco.
Binigyang-pansin din ni Frasco ang tagal ng pananatili ng mga turista sa bansa kung saan iginiit niyang kalimitan daw naglalagi ang mga ito hanggang 11 araw na pagbabakasyon.
“Data would show that 70 percent of tourists coming to the country are repeat visitors. Truly, our tourists have come to love the Philippines with a higher spend, longer stay and repeat visits,” anang DOT secretary.
Saad pa ni Frasco nakapagtala raw kasi ng kabuuang visitor receipts ang bansa mula sa Enero hanggang Disyembre 15, 2024 ng tinatayang ₱712 bilyon, kung saan mas malaki umano kumpara noong pre-pandemic era noong 2019 na P600 bilyon.
Iginiit din niyang mula raw noong Abril 2024, umabot na sa 16.4 milyong mga Pilipino ang nagkaroon ng trabaho dahil sa turismo ng bansa.
Dagdag pa ni Frasco: “These figures highlight the pivotal role of tourism in generating livelihoods and uplifting communities nationwide and certainly show the impact of Philippine tourism in terms of job generation. The Department of Tourism remains steadfast in its mission to generate quality employment opportunities for Filipinos across the country."