January 05, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

'The Rapists of Pepsi Paloma' produced nga ba ng mga Jalosjos, kalaban ni Vico?

'The Rapists of Pepsi Paloma' produced nga ba ng mga Jalosjos, kalaban ni Vico?
Photo courtesy: Darryl Yap, TVJ, Vico Sotto (FB)

Nilinaw ng direktor na si Darryl Yap ang tungkol sa mga nang-iintrigang baka ang pamilya Jalosjos o ang kalaban sa pagka-alkalde ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang nasa likod ng pagpo-produce ng pelikulang "The Rapists of Pepsi Paloma" na ipalalabas ngayong 2025.

May legal na hidwaan sa pagitan ngayon nina Tito Sotto III, Vic Sotto, at Joey De Leon (TVJ) at pamilya Jalosjos kaugnay sa isyu ng "Eat Bulaga" trademark simula nang mag-alsa balutan sila mula sa Television and Production Exponents Incorporated (TAPE, Inc.) at GMA Network, matapos ang maraming taon.

Sa kasalukuyan ay nasa TV5 na ang TVJ at Eat Bulaga, kaya ang nakasalang sa GMA Network sa noontime slot ay "It's Showtime" ng ABS-CBN Studios.

Kamakailan lamang, muling nanalo sa usapin ng "Eat Bulaga/EB" trademark ang TVJ, ayon sa desisyon ng Court of Appeals (CA) 9th Division. Sa latest update tungkol sa apela ng Jalosjos family tungkol sa usapin, kinatigan ulit ng korte ang TVJ patungkol dito, at kinilala ang TVJ kasama pa si Jenny Ferre, na sila ang rightful owner ng Eat Bulaga trademark.

Pelikula

Netizens, curious kung lulusot sa MTRCB ang 'The Rapists of Pepsi Paloma'

Ayon pa sa CA, hindi raw nagkamali ang Marikina Regional Trial Court (RTC) Branch 273 sa nauna nilang desisyong pumapabor sa TVJ.

MAKI-BALITA: TVJ, wagi ulit kontra TAPE sa isyu ng Eat Bulaga trademark

Kaya paglilinaw ni Yap, wala raw kinalaman ang pamilya Jalosjos sa pagkaka-produce ng nabanggit na pelikula, na may kontrobersiyal na teaser matapos mabanggit ang pangalan ni Vic Sotto, na kamakailan lamang ay muling napanood sa pelikulang "The Kingdom" na isa sa mga pelikulang kalahok sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF).

Hindi rin daw kinalaman dito ang kalaban ni Mayor Vico sa politika.

Ayon sa Facebook post ng direktor, "ang THE RAPISTS OF PEPSI PALOMA ay hindi produced ng mga Jalosjos (Kaaway ng TVJ) o ng mga Discaya (Kalaban ni Vico);"

"hindi ako padidikta sa pelikulang pangarap gawin ng bawat Batang Gapo, hindi pulitikal ang pelikulang tungkol sa kababayan ko."

"Wala akong pake sa mga drama nila."

"pero kung pakiramdam nila eh pabor sa kanila ang paglalahad ko ng buong kwento—at gusto nila akong bigyan ng pera—

SINO BA NAMAN AKO PARA TUMANGGI?!"

"Hindi ako mapagmalaking tao."

"Hindi ako mapride."

"Tag nyo nga," aniya.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ng TVJ tungkol dito.

KAUGNAY NA BALITA: Darryl Yap, gagawa ng pelikula tungkol sa 'rapists ni Pepsi Paloma?'