Muling sinariwa ni Kapuso star Dennis Trillo ang unang acting award na natanggap niya sa Metro Manila Film Festival (MMFF), at ito ay noon pang 2004.
Ibinahagi ni Dennis sa kaniyang Instagram post ang kaniyang throwback photo kung saan may hawak siyang tropeo mula sa MMFF.
Ang pelikulang nagpanalo sa kaniya bilang "Best Supporting Actor" ay ang Japanese invasion-themed na "Aishite Imasu 1941: Mahal Kita,” sa direksyon ni Joel Lamangan at isinulat ng award-winning screenplay writer at National Artist for Literature na si Ricky Lee.
Dagdag pa ni Dennis, ang nabanggit na proyekto ang kauna-unahan niyang pelikula sa MMFF, at first-time din niyang gumanap bilang isang comfort transwoman.
Sumunod namang panalo ni Dennis ay "Best Actor" na para sa pelikulang "One Great Love" na kalahok din sa MMFF noong 2018, subalit hindi raw siya nakadalo sa Gabi ng Parangal.
At nitong 2024, sa 50th MMFF, siya ang itinanghal na Best Actor in a Leading Role para sa pelikulang "Green Bones."
MAKI-BALITA: Dennis Trillo, ido-donate cash prize sa mga PDL