January 05, 2025

Home BALITA Internasyonal

Bangkay ng Pinay OFW, natagpuang nabubulok na sa bakuran ng Kuwaiti national

Bangkay ng Pinay OFW, natagpuang nabubulok na sa bakuran ng Kuwaiti national
Photo courtesy: GMA News Online, Pexels

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kinahinatnan ng isang Pilipinang Overseas Filipino Worker (OFW) matapos niyang mawala ng halos dalawang buwan. 

Ayon sa DFA, hindi pa tukoy kung may kinalaman ang mismong employer ng biktimang si Dafnie Nacalaban matapos makumpirma ang naging pagpaslang sa kaniya ng isang Kuwaiti national.

Sa panayam ng media kay DFA Undersecretary Eduardo de Vega kamakailan, mismong ang kapatid daw ng suspek ang nagsuplong sa pulisya ng ginawa nitong krimen kay Nacalaban at ito rin daw ang nagturo sa kinaroroonan ng nasabing biktima. 

Batay sa mga ulat, natagpuang wala ng buhay at halos nabubulok na raw sa bakuran ang bangkay ni Nacalaban nang marekober ito ng mga awtoridad. 

Internasyonal

'Looking for home:' Aso, naulila ng isang pamilyang nasawi sa plane crash sa South Korea

“Yung kapatid mismo ng suspect sinabihan yung pulis. Ininvestigate nung pulis. Nakita ng pulis sa bahay yung bangkay, advanced state of decomposition, magdadalawang buwan na,” ani De Vega. 

Ayon sa pamilya ng biktima, planado na raw sana ang pag-uwi nito noong Disyembre ngunit hindi na raw nila ito nakausap pa. 

Samantala, siniguro naman ni Department of Migrant Worker (DMW) Hans Leo Cacdac na mananatili raw silang makikipag-ugnayan sa gobyerno ng Kuwait at iginiit din nilang may nakatutok na raw sa kaso ni Nacalaban. 

“Tayo ay nakikipag-coordinate. Mayroon tayong abogadong nakatutok sa kaso at nakikipag-coordinate sa Kuwaiti prosecution para malitis, mausig, at magkaroon tayo ng hustisya sa kaso na ito,” ani Cacdac.