January 05, 2025

Home FEATURES BALITAnaw

BALITAnaw: Ang kahalagahan ng Enero 2 bilang 'World Introvert Day'

BALITAnaw: Ang kahalagahan ng Enero 2 bilang 'World Introvert Day'
Courtesy: Unsplash

Matapos ang malalakas na ingay at pagdiriwang mula Pasko hanggang Bagong Taon, pagsapit ng Enero 2, binibigyang-pagkilala ng buong mundo ang tinaguriang “the quiet ones” —ang mga “introvert.”

Ngunit, paano nga ba nagsimula ang pagdedeklara ng Enero 2 bilang “World Introvert Day?”

Ayon sa mga ulat, unang ipinakilala ang World Introvert Day ng psychologist at manunulat na si Felicitas Heyne. 

Sa isa niyang blog post na pinamagatang "Here's Why We Need a World Introvert Day” na inilathala sa kaniyang website na "iPersonic” noong 2011, iginiit ni Heyne na dapat magkaroon din ng araw upang ipagdiwang ang unique qualities ng mga introvert na kabilang daw sa “minority.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Karaniwang sukat ng etits ng kalalakihan ng iba't ibang lahi sa mundo

Binanggit din niya ang mga kilalang introvert na sina Albert Einstein, Ludwig Wittgenstein, Charles Darwin, Friedrich Nietzsche, Albert Schweitzer, Mother Teresa, Ingrid Bergman, Audrey Hepburn, Alfred Hitchcock, at Bill Gates na nagbigay ng malaking kontribusyon sa lipunan.

“It is high time to sharpen the awareness of a world on behalf of the introverts’ distinctiveness that has increasingly been devoting itself to the cult around extraversion. How about an official ‘World Introvert Day’ on the calendar?” ani Heyne sa kaniyang blog post.

“After all, these days we have an official gift- and action day for everything important and/or irrelevant: The World Tree Day (on 25 April), The Global Handwashing Day (on 5 May), The International Kissing Day (on 6 July) and The International Stuttering Awareness Day (on 22 October), just to name a few examples – and all of them international, by the way. So, why not introduce a World Introvert Day?” dagdag niya.

Kaugnay nito, binigyang-diin ni Heyne na ang Enero 2 ang pinakaangkop na araw upang bigyang-pagkilala ang mga introvert dahil ito raw ang eksaktong petsa kung saan kinakailangan nilang huminga mula sa tinawag niyang “horror-holiday-marathon” na nagsisimula sa Pasko at tumatagal hanggang sa Bagong Taon.

“[January 2 is] when the annoying relatives have left and no one bothers them with the question: ‘What are your plans for New Year‘s?’ and then acts indignant when you respond ‘Nothing special, why do you ask?’ Could there possibly be a better date for it?” aniya.

Dahil sa naturang artikulo ni Heyne at kanilang mga panawagan, taong 2012 nang sinimulan nang ipagdiwang ang “World Introvert Day” tuwing Enero 2, isang tanda na sa kabila ng samu't saring ingay ng mundo, dapat ding bigyang-halaga ang katahimikan at ang bawat isang mas niyayakap ang kalayaang dala nito.

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Misconceptions na dapat i-unlearn tungkol sa mga introvert