January 05, 2025

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Misconceptions na dapat i-unlearn tungkol sa mga introvert

ALAMIN: Misconceptions na dapat i-unlearn tungkol sa mga introvert
Courtesy: Unsplash

Hindi isang kahinaan ang pagyakap sa katahimikan.

Sa pagdiriwang ng “World Introvert Day” ngayong Enero 2, halina’t mas kilalanin ang mga “introvert” sa pamamagitan ng pag-alam at pagwaksi sa mga karaniwang “misconception” tungkol sa kanila.

Narito ang ilan sa mga bagay at paglalarawan na madalas idinidikit sa mga introvert na dapat “i-unlearn,” ayon sa “Happily Introverted Ever After” book author na si Felicitas Heyne, isang psychologist na nagsulong ng pagdiriwang ng World Introvert Day:

• Likas na mahiyain

Totoong maraming mahiyaing introverts, ngunit hindi dahil lang sa likas sa kanila ito. Ito ay dahil sa kanilang mga personal na dahilan o naranasan, ani Heyne.

Human-Interest

Tagahugas ng pinagkainan sa family reunion, pinakamahirap sa angkan?

Inilarawan ng psychologist ang pagkamahiyain o “timidity” bilang isang “social fear.” Ito raw ay tumutukoy sa takot ng isang tao na mabigo ang expectations ng iba, sa pangambang makapagsabi o makagawa ng isang bagay na mali at mapuputakti ng kritisismo. Ang takot na ito ang nagiging sanhi kung bakit dumidistansya ang isang indibidwal sa presensya ng iba.

“Introverts are not more reserved and quiet than extroverts in the presence of crowds because of their fears - but rather for the previously explained reasons,” saad pa ni Heyne. “The problem is that this frequently causes extroverts to see them as being timid. And that is a fallacy.”

Likas na arogante 

Madalas na napagkakamalan ang mga introvert bilang arogante at “hindi cool” dahil sa kanilang pagiging tahimik at bihirang pagngiti. Ngunit hindi ito totoo, giit ni Heyne.

Hindi lamang daw talaga mahilig ang mga introvert sa “small talk.” Sa halip, mas gusto nilang manahimik at ituloy ang kanilang pag-iisip o pagmumuni-muni. Hindi rin “drama” para sa kanila ang katahimikan sa gitna ng pag-uusap, bagkus ito ay isang pahinga.

“Extroverts tend to misinterpret these different communication styles as rudeness or indifference by introverts while it simply just reflects their disposition,” saad ni Heyne.

“Antisocial weirdos” at walang tiwala sa iba

Hindi totoong “antisocial” at “misanthropes” o walang tiwala sa ibang tao ang mga introvert, bagkus ay mas gusto lamang daw nila ang “quality” kaysa sa “quantity.”

Masaya ang mga introvert sa pagkakaroon ng kaunti ngunit malapit na mga kaibigan. Hindi sila mahilig sa social gatherings, ngunit may sarili silang paraan upang mas mapatibay ang kanilang relasyon sa mga taong pinahahalagahan nila.

“They don’t need to hop for hours from one bar to the other every Saturday. On the other hand they usually cultivate friendships and contacts which are important to them more intensely and carefully than extroverts do,” giit ni Heyne.

“Super-sensitive” o likas na intelektwalisado 

Ani Heyne, maraming introverted Doer Types at introverted Realist Types na ang mga kakayahan ay mas madalas na matatagpuan sa praktikal na larangan kaysa sa pag-conceptualize ng mga ideya.

Bukod dito, halos magkapareho lamang din naman daw ang mga introvert at mga extrovert pagdating sa kanilang sensitivity.

“Obviously there are just as many introverts as extroverts who occasionally trample over the feelings of their fellow men like the proverbial bull in the china shop,” ani Heyne.

“Introversion can also be associated with special creativity and imagination but doesn’t have to be - although some introverted authors like to assert just that,” saad pa niya.

KAUGNAY NA BALITA: BALITAnaw: Ang kahalagahan ng Enero 2 bilang 'World Introvert Day'