Inaasahang papalo raw ng tinatayang 8.09 bilyon ang populasyon ng mundo ngayong 2025 ayon sa U.S Census Bureau.
Ayon sa ulat ng Associated Press (AP) News nitong Martes, Disyembre 31, 2024, batay daw sa inilabas na pag-aaral ng U.S Census Bureau, posible umanong apat ang manganak habang 2 naman ang maaaring mamatay kada segundo sa iba’t ibang panig ng mundo.
Sa Estados Unidos, tinatatayang lumaki ang kanilang populasyon ng 2.6 milyon noong 2024, kung saan umabot umano ng 341 milyon ang kabuuang populasyon nito sa pagsalubong ng 2025.
Samantala, ayon sa ulat ng United Nations (UN) noong nakaraang 2024, umabot daw sa 4.7 milyon ang ipinanganak sa buong mundo o katumbas ito ng 3.5% ng populasyon lung saan pawang mga nasa edad 18 taong gulang pababa ang pawang nagkaroon ng tinatawag ma “teenage pregnancies” habang nasa 340,000 naman ng kababaihan edad 15 taong gulang pababa ang nagsilang din ng sanggol.
Batay sa projection ng UN, posible daw umabot ang life expectancy ng isang tao hanggang 77 taong gulang mula 2025 hanggang 2054.