HIndi umano imbitado si Pangulong Bongbong Marcos sa inagurasyon ni US President-elect Donald Trump sa Enero 20, 2025.
Ayon sa ulat ng GMA News nitong Miyerkules, Enero 1, si Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez ang dadalo sa naturang inagurasyon dahil ang mga ambassador lamang umano ang imbitado.
Dagdag pa ng ulat, sinabi ni Romualdez sa isang mensahe na wala raw kahit sinong presidente o head of state ang imbitado.
"As a matter of policy, no head of state is invited. Only ambassadors represented in Washington are invited," ani Romualdez.
Matatandaang noong Nobyembre 19, 2024, isiniwalat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nakausap niya sa pamamagitan ng phone call si Trump.
"I was able to schedule a phone call to President-elect Donald Trump. At nakausap siya kaninang umaga at naaalala naman niya ang Pilipinas," aniya.
"It was a very good call, it was a very friendly call, it was productive and I'm glad that I was able to do it and I think President-elect Trump was also happy to hear from the Philippines.”
BASAHIN: PBBM, nakausap sa phone si Donald Trump: ‘It was a very friendly, productive call’