Tila kumasa rin ang aktres na si Kathryn Bernardo sa "12 grapes under the table" trend, pagpasok ng taong 2025.
Sa Instagram post ng kaniyang ina na si Min Bernardo, makikita ang pagkain ni Kathryn ng ubas habang nasa ilalim ng lamesa, pagkatapos nito ay nagtatalon siya.
Ang trend kasi ngayon sa social media na kapag kumain ng 12 ubas sa ilalim ng lamesa ang isang taong walang jowa ay pinaniniwalang magkakaroon ng jowa sa bagong taon. 'Yong 12 ubas na 'yon ay sumisimbolo sa 12 buwan ng taon.
Dapat daw kainin ang 12 grapes sa loob ng 12 minuto pagpatak ng 12:00 a.m. ng Enero 1.
Pero ayon sa ilang mga ulat, matagal na umano itong tradisyon sa bansang Spain, kung saan isa raw itong daan para ma-manifest ang good luck at prosperity sa buong taon.
Habang ang pagtalon naman sa bagong taon ay pinaniniwalaang pampatangkad.
Ikaw, kumain ka na rin ba ang 12 grapes?