Kapapasok lamang ng 2025 ay niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang Davao Oriental nitong Miyerkules ng umaga, Enero 1.
Ayon sa Phivolcs, naganap ang naturang lindol bandang 6:32 ng umaga sa Baganga, Davao Oriental na may lalim ng kilometro, habang tectonic naman ang pinagmulan nito.
Dagdag pa ng ahensya, walang inaasahan na pinsala at aftershocks matapos ang lindol.