June 16, 2025

Home BALITA Probinsya

89-anyos na lolong nangangaroling, sugatan matapos hampasin gamit ang gitara

89-anyos na lolong nangangaroling, sugatan matapos hampasin gamit ang gitara
Photo courtesy: 105.5 Brigada News FM Agusan/Facebook

Sugatan ang isang 89 taong gulang na lolo matapos umanong hampasin gamit ang isang gitara.

Sa ulat ng 105.5 Brigada News FM Agusan nitong Martes, Disyembre 31, 2024, nangyari ang insidente sa Bais City, Negro Oriental, matapos daw mapagkamalang magnanakaw ang biktima habang nangangaroling sa isang bahay. Duguan at nagtamo ng galos sa ulo ang nasabing matanda.

Agad din umanong sinaklolohan ng ilang residente ang biktima at nilapatan ng first-aid.

Samantala, wala pang inilalabas na ulat kung naiharap sa mga awtoridad ang umatake at nanakit sa matanda. 

Probinsya

Bomb threat sa Zamboanga airport, natagpuan sa CR