Patay ang isang Swiss cabin crew matapos magkaroon ng emergency landing ang sinasakyang eroplano, naiulat nitong Martes, Disyembre 31.
Ayon sa mga ulat, ang Airbus A220-300 jet ng Swiss International Air Lines, na may sakay na 74 na pasahero at limang cabin crew, ay lumilipad mula Bucharest patungong Zurich noong Disyembre 23.
Dahil sa problema sa makina at binalot na ng usok ang cockpit at cabin, kinailangang mag-emergency landing ng eroplano sa Graz, Austria.
Bagama't maayos namang nakalapag ang eroplano, agad na isinugod ang isang cabin crew sa ospital sa Graz ngunit pumanaw rin kalaunan.
Lahat ng mga pasahero ay inevacuate at 12 sa kanila ay nakatanggap ng tulong medical.
Samantala, naglabas naman ng pahayag ang airline.
"We must report, with the deepest of sorrow and regret, that our young colleague died in the hospital in Graz on Monday," anang Swiss.
Nakiramay naman ang CEO ng Swiss na si Jens Fehlinger.
Aniya, "We are devastated at our dear colleague's death. Our thoughts are with his family, whose pain we cannot imagine. I offer them my heartfelt condolences on behalf of all of us at Swiss. And we will, of course, be doing everything in our power to help and support them at this extremely difficult time."