Sa paggunita ng Rizal Day ngayong Lunes, Disyembre 30, hinikayat ni Vice President Sara Duterte ang mga Pilipinong alalahanin ang katapangan ng bayaning si Jose Rizal kahit sa gitna raw ng kinahaharap na “pang-aapi.”
“Ngayong araw, sa paggunita natin sa buhay ni Jose Rizal, alalahanin natin ang kanyang katapangan sa harap ng pang-aapi,” ani Duterte.
Ayon pa sa bise presidente, pinaalala raw ng mga pinagdaanan ni Rizal “na kahit sa pinakamadilim na oras, ang liwanag ng katotohanan at katarungan ay maaaring manaig.”
“Parangalan natin ang kanyang alaala sa pamamagitan ng paninindigan para sa tama at kolektibong pagsusumikap tungo sa mas makatarungan, pantay, at tunay na malayang Pilipinas,” saad ni Duterte.
“Ang lahat ng ginagawa natin ay para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino,” dagdag pa niya.