Ngayong Rizal Day, Disyembre 30, hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga Pilipinong maging katalista ng pagbabago para raw sa mas matatag na “Bagong Pilipinas” para sa lahat.
Sa kaniyang mensahe, ipinaabot ni Marcos ang kaniyang pakikiisa sa paggunita ng kamatayan ng bayaning si Jose Rizal, at sinabing nagpapatuloy pa rin ang legasiya nito hanggang sa kasalukuyan.
“Since his ultimate sacrifice in 1896. Dr. José Rizal's vision of a just and forward-thinking society is no less alive today than it was more than a century ago,” ani Marcos.
“As we remember his noble works and honorable life, let us take to heart his words and ideals that awakened the consciousness of our forebears and stirred a national movement for freedom.”
Hinikayat din ng pangulo ang mga Pinoy na isabuhay ang lahat ng pinahahalagahan ni Rizal, tulad ng pagmamahal sa bansa, dedikasyon para sa katotohanan, at pagsusulong ng kaayusan ng mga buhay ng bawat indibidwal.
“Truly, it is through Dr. Rizal's works that one can realize that true change can begin within us, especially when we stand firm on the issues that we face today. Let us be bold enough to be catalysts of change and hold on to the belief that each of us can contribute to the beloved Philippines that stands on the pillars of solidarity and progress,” ani Marcos.
“Whether in service to our communities, in the pursuit of knowledge, or in uplifting the marginalized, let us make decisions that will echo his resolve.
“May we rise as a nation, ever unyielding, in our shared quest for a brighter and stronger Bagong Pilipinas that we can be proud of,” saad pa niya.