January 03, 2025

Home BALITA National

PBBM, nilagdaan na ₱6.352-trillion national budget sa 2025

PBBM, nilagdaan na ₱6.352-trillion national budget sa 2025

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang ₱6.352-trillion national budget para sa 2025 nitong Lunes, Disyembre 30.

Nangyari ang pagpirma ni Marcos upang maisabatas ang General Appropriations Act (GAA) for Fiscal Year (FY) 2025, sa Ceremonial Hall sa Malacañang Palace matapos ang programa para sa paggunita ng “Rizal Day.”

Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Marcos na inatasan niya ang pag-veto sa mahigit ₱194 billion halaga ng line items na hindi umano naka-align sa mga prayoridad na programa ng kaniyang administrasyon.

"This budget reflects our collective commitment to transforming economic gains into meaningful outcomes for every Filipino. It is designed not just to address our present needs but to sustain growth and to uplift the lives of generations that are yet to come," saad ni Marcos.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Ayon naman sa Presidential Communications Office (PCO), nagsisilbi ang Republic Act (RA) No. 12116 o ‘An Act Appropriating Funds for the Operation of the Government of the Republic of the Philippines from January 1 to December 31, 2025’ sa “commitment” ng administrasyong Marcos para sa economic growth at social development.

Dumaan din umano sa metikulosong pagsusuri ang naturang budget upang masigurong nakahanay ito sa layunin ng administrasyon maabot ang Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028.  

“The 2025 National Budget underscores the Administration’s  commitment to social services, education and health, while also addressing the critical needs for infrastructure development and agricultural support,” anang PCO.

“Moreover, this measure prioritizes green investment and disaster preparedness, aiming to enhance resilience against natural calamities.”

Matatandaang noong Disyembre 20 nang ipagpaliban ni Marcos ang paglagda sa panukalang budget dahil sisiyasatin at pag-aaralan pa raw nila ito.

Kaugnay nito, noong Disyembre 16 nang ipinahayag ng pangulo na tinitingnan niyang ibalik ang tinapyas na sa ₱10 bilyon sa budget ng Department of Education (DepEd) para sa 2025.

Sa kabilang banda, kinatwiranan ng pangulo ang naging desisyon ng Kongreso na bigyan ng “zero subsidy” ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa 2025, at sinabing sapat naman umano ang pondo ng ahensya.

MAKI-BALITA: PBBM sa ‘zero subsidy’ ng PhilHealth sa 2025: 'They have sufficient funds to carry on!'