January 02, 2025

Home BALITA National

PBBM, nakiramay sa pagpanaw ng dating pangulo ng US

PBBM, nakiramay sa pagpanaw ng dating pangulo ng US
MULA SA KALIWA: Pangulong Bongbong Marcos at dating US President Jimmy Carter (Photo courtesy: PBBM/FB; Neil Hall/Pool Photo via AP, MB File)

Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagpanaw ni dating United States (US) President Jimmy Carter nitong Linggo, Disyembre 30.

Sa kaniyang mensahe, tinawag ni Marcos si Carter bilang isang humanitarian na isinasabuhay ang pagkupkop sa mga kapos-palad at paglaban sa karapatang-pantao ng mga naaapi.

“Guided by his faith, he was a servant leader who pursued peace in places torn by war and prosperity in societies broken by want,” ani Marcos.

“These are universal values he fought for which are embraced by people everywhere, including Filipinos, as the cornerstone of a better, kinder society they deserve to live in.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

“He was a model of the power to do good, with the benefit of public office or bereft of it, driven, not by politics nor personal gain, but by pure love to one's fellowmen,” saad pa niya.

Base sa mga ulat, pumanaw si Carter dakong 3:40 ng hapon nitong Linggo sa edad na 100. Hindi naman idinetalye ng kaniyang pamilya ang dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Si Carter ang ika-39 na naging pangulo ng US.