January 02, 2025

Home BALITA National

PBBM, nag-veto ng ₱194B sa 2025 national budget

PBBM, nag-veto ng ₱194B sa 2025 national budget
Pangulong Bongbong Marcos (Courtesy: PCO/FB screengrab)

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na inatasan niya ang pag-veto sa mahigit ₱194 bilyong line items sa ilalim ng nilagdaan niyang ₱6.352-trillion national budget para sa 2025.

Sinabi ito ni Marcos sa kaniyang talumpati sa ginanap na seremonya para sa kaniyang paglagda sa ₱6.352-trillion national budget para sa 2025 nitong Lunes, Disyembre 30.

MAKI-BALITA: PBBM, nilagdaan na ₱6.352-trillion national budget sa 2025

Ayon sa pangulo, inatasan niya ang pag-veto sa mahigit ₱194 billion halaga ng line items na hindi umano naka-align sa development plan ng bansa at mga kailangan ng mga Pilipino.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

“We take our role as stewards of our taxpayers money seriously. And for this reason, after an exhaustive and thorough review, we have directly vetoed over ₱194 billion worth of the line items that are not consistent with our program priorities,” ani Marcos.

“These include allocations for certain programs and projects of the Department of Public Works and Highways, and those under the unprogrammed appropriations which increased by 300%,” dagdag niya.

Sinabi rin ng pangulo na resulta umano ng kanilang pagdinig sa publiko ang ipinasang national budget para sa 2025.

"To sambayanang Pilipino, nakikinig po kami sa inyo. Salamat po sa inyong pagkilatis sa ating national budget at sa pagpuna sa kaibahan ng isinumite ng Kongreso sa President's proposed budget," saad ni Marcos.

“Kaya naman po, kahit Pasko, kaming lahat ay nagtrabaho upang pag-aralan ito. Ito pong ipapasang General Appropriation Act ngayon kasama na ang mga veto ay resulta ng aming mga pagdinig sa inyong tugon,” dagdag pa niya.