January 02, 2025

Home BALITA

Bilang ng aksidente sa kalsada na naitala ng DOH, umabot na sa 457; 5-katao, patay!

Bilang ng aksidente sa kalsada na naitala ng DOH, umabot na sa 457; 5-katao, patay!
Photo courtesy: Balita File Photo

Iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Lunes na umaabot na sa 457 ang kabuuang bilang ng mga aksidente sa kalsada na naitala nila ngayong holiday season, kung saan limang katao ang iniulat na nasawi.

Sa datos ng DOH, nabatid na ang naturang kabuuang bilang, na kinabibilangan ng 39 na bagong kaso, ay naitala simula Disyembre 22 lamang hanggang 6:00AM ng Disyembre 30, 2024, lamang.

Ito ay 38% na mas mataas kumpara sa bilang na naitala sa kahalintulad na petsa ng nakaraang taon.

Ayon sa DOH, sa kabuuang bilang ng road accidents, 322 ang kinasangkutan ng mga motorsiklo at 76 sa naaksidente ay nakainom ng alak, habang 393 naman ang hindi gumamit ng safety accessories.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Ang mga naturang aksidente ay nagresulta sa pagkasawi ng limang indibidwal, kabilang ang tatlo na binawian ng buhay dahil sa motorcycle accident.

Kaugnay nito, muli namang pinaalalahanan ng DOH ang publiko na palagiang magsuot ng helmet at seatbelt kung sasakay ng motorsiklo o anumang uri ng behikulo.

Kung nakainom naman ng alak, dapat na iwasan ang pagmamaneho upang makaiwas sa aksidente.

Dagdag pa ng DOH, dapat ring sundin ng mga drivers ang speed limits at road signs, at tiyaking may sapat na tulog bago magmaneho.

Sakali namang magkaroon ng emergency sa kalsada, maaari anilang tumawag sa 911 emergency hotline o 1555 DOH emergency hotline.