April 30, 2025

Home BALITA National

54% ng mga Pinoy, labis na nagtitiwala kay PBBM; 52% naman kay VP Sara — SWS

54% ng mga Pinoy, labis na nagtitiwala kay PBBM; 52% naman kay VP Sara — SWS
Photo courtesy: Bongbong Marcos, Office of the Vice President/Facebook

Tinatayang 54% ng mga Pilipino ang labis na nagtitiwala kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. habang 52% naman ang labis na nagtitiwala kay Vice President Sara Duterte, ayon sa inilabas na survey ng Social Weather Stations (SWS) nitong Lunes, Disyembre 30.

Base sa 2024 fourth quarter survey ng SWS, 98% ng mga Pinoy ang aware o nakakakilala kay Marcos, 54% ang lubos na nagtitiwala sa kaniya (% very much trust plus % somewhat much trust), habang 19% ang undecided.

Nasa 25% naman daw ng mga Pinoy ang nagsabing kaunti lamang ang tiwala nila sa pangulo (% very much trust plus % somewhat much trust). 

“This gives a net trust rating of moderate +29 (% much trust minus % little trust), down by 4 points from good +33 in September 2024,” anang SWS.

National

Nasa 18M graduates ng high school noong 2024, hindi 'functional literate'

Pagdating naman sa bise presidente, inihayag ng SWS na 98% din ng mga Pilipino ang aware o nakakilala kay Duterte, habang 52% ang nagsabing lubos silang nagtitiwala sa kaniya (% very much trust plus % somewhat much trust), at 17% ang undecided.

Tinatayang 29% naman ng mga Pinoy ang nagsabing maliit lamang ang kanilang tiwala sa bise presidente.

“This gives a net trust rating of moderate +23, down by 6 points from moderate +29 in September 2024,” saad ng SWS.

Isinagawa raw ang survey, na inisponsoran ng Stratbase Consultancy, mula Disyembre 12 hanggang 18, 2024 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 2,160 Pinoy na nasa 18 pataas ang edad.