January 01, 2025

Home BALITA Internasyonal

‘Shall I make a will?’ huling mensahe ng pasahero ng nag-crash na eroplano sa S. Korea

‘Shall I make a will?’ huling mensahe ng pasahero ng nag-crash na eroplano sa S. Korea
(Courtesy: Associated Press; Contributed photo via MB)

Ibinahagi ng kapamilya ng isang pasahero ng nag-crash na eroplano sa South Korea ang kaniyang huling mensahe bago ang aksidenteng kumitil sa kaniyang buhay at sa mahigit 100 iba pa nitong Linggo, Disyembre 29.

Base sa ulat ng The Korea Times na inilabas ng Manila Bulletin, lumipad pabalik ng South Korea mula Thailand ang Jeju Air Boeing 737-800 series aircraft na may sakay na 181 indibidwal, kung saan 175 dito ang pasahero at anim ang crew members, nang sumadsad ito sa Muan International Airport sa South Jeolla Province at bumangga sa pader dakong 9:00 ng umaga.

“Malfunctioning landing gear” ang pinaniniwalaang naging sanhi ng aksidente, ayon sa fire department ng Muan.

Kaugnay nito, inihayag ng News1 ang ibinahaging huling mensaheng natanggap ng isang lalaking naghihintay sa airport para sa isang miyembro ng kaniyang pamilyang lulan ng naturang eroplano.

Internasyonal

Swiss cabin crew, patay matapos ang emergency landing

Sa pamamagitan ng KakaoTalk message ay natanggap daw niya ang mensaheng: "A bird struck the wing and we can’t land."

Tinanong naman ng lalaki sa kaniyang kapamilya kung gaano na katagal nangyayari ang naturang problema sa sinasakyan nitong eroplano.

“Just now. Should I make a will?" sagot naman ng kapamilya niyang pasahero.

Matapos matanggap ang naturang mensahe ay hindi na raw makontak ang kaniyang kapamilya.

Ayon sa National Fire Agency ng South Korea, mula 4:00 ng hapon ay 124 na ang kumpirmadong nasawi dulot ng naturang aksidente.

Dalawang miyembro ng crew pa lamang ang nailigtas habang 55 iba pa ang hindi pa rin natutukoy.