A resting beauty arrives soon.
Nakatakdang i-display ang sculpture ni Jose Rizal kay Josephine Bracken sa National Museum of Fine Arts sa paggunita ng Rizal Day, Disyembre 30.
Sa isang Facebook post nitong Sabado, Disyembre 28, ibinahagi ng National Museum of the Philippines na ilalagay ang sculpture ni Rizal sa Spoliarium Hall ng National Museum of Fine Arts sa Maynila.
“A resting beauty is arriving to captivate your hearts and minds at the National Museum of Fine Arts. Ready to wish her a ‘good night’?” anang National Museum sa kanilang post.
Pinangalanang “Sleeping Josephine,” makikita sa sculpture ang wangis ng naging kasintahan ni Rizal na si Bracken, kung saan animo’y tinatakpan ng kaniyang mga kamay ang kaniyang dibdib habang natutulog.
“Be among the first to see her this Rizal Day,” saad ng National Museum.
Matatandaang noong Nobyembre nang ipa-auction ang naturang sculpture na pinaniniwalaang kahuli-hulihang sculpture work ni Rizal. Naibenta ito sa halagang ₱34 million sa isang anonymous bidder, ayon sa ulat ng GMA News, at nakuha ng National Museum nitong Disyembre.
BASAHIN: Sculpture ni Josephine Bracken na likha ni Jose Rizal, ipapa-auction