Bago pumasok ang 2025, isa muna sa mga kakatwa at pinag-usapang balita ng 2024 ay ang inilabas na interactive map ng MailOnline tungkol sa umano’y karaniwang sukat ng ari ng mga lalaki sa mundo noong Abril 2024.
Ayon sa ulat ng MailOnline, ang mga Ecuador male daw ang nangunguna sa listahan ng may pinakamalaking pagkalalaki sa mundo na ang haba ay umaabot sa halos 7 inches o 17.6 cm na sinusundan naman ng Cameroon.
Samantala, pinakamaliit naman umano ang sa mga lalaki sa Cambodia na tinatayang 4 inches lamang o 10 cm.
Pero tila kataka-takang hindi man lang nakapasok kahit sa Top 50 ang United Kingdom at United States na nasa ika-60 at ika-68 na pwesto.
Tinatayang umaabot lang daw sa 5.2 inches o 131.1 cm ang karaniwang sukat ng ari ng lalaking Briton habang 5.4 inches o 14.46 cm naman umano ang sa mga lalaking Amerikano.
Dagdag pa sa ulat, nahirapan umano ang mga researcher sa likod ng naturang listahan na tuklasin ang ugnayan sa pagitan ng haba ng ari at pagiging matangkad ng isang lalaki.
Ngunit ayon sa kanila, lumalabas na maraming juts daw ang mga bansa na may mataas na obesity rate.
Samantala, narito ang mga bansang nakapasok sa Top 20 na may pinakamalaking sukat ng pagkalalaki sa mundo:
1. Ecuador - 6.93 in
2. Cameroon - 6.56 in
3. Bolivia - 6.5 in
4. Sudan - 6.48 in
5. Haiti - 6.3 in
6. Senegal - 6.26 in
7. Gambia - 6.25 in
8. Cuba - 6.24 in
9. Netherlands - 6.24 in
10. Zambia - 6.21 in
11. France - 6.2 in
12. Angola - 6.19 in
13. Canada - 6.19 in
14. Egypt - 6.18 in
15. Zimbabwe - 6.17 in
16. Georgia - 6.15 in
17. Paraguay - 6.11 in
18. Chad - 6.06 in
19. Italy - 6.04 in
20. Central African Republic - 6.03 in