Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang Tawi-Tawi nitong Sabado ng umaga, Disyembre 28.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naganap ang lindol bandang 6:39 ng umaga sa South Ubian, Tawi-Tawi, na may lalim na 502 kilometers.
Dagdag pa ng ahensya, tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Samantala, walang inaasahan na pinsala at aftershocks matapos ang lindol.