December 29, 2024

Home BALITA

Makasaysayang MMFF trophy, proud na inirampa ng mismong designer nito

Makasaysayang MMFF trophy, proud na inirampa ng mismong designer nito
Photo courtesy: Kate Garcia/Balita, Jere_artist/IG

Nagkalat na sa social media ang ilang larawan ng mga nagwagi sa katatapos pa lamang na Gabi ng Parangal ng ika-50 taon ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

Bago pa man makapag-moment ang ilang mga sikat na bituin mula sa kani-kanilang natanggap na parangal, nauna nang ipinagmalaki ni Jefre Manuel Figueras ang naturang tropeo, sa pagrampa niya sa red carpet.

Si Figueras ang utak ng disenyo ng trophy ng ‘ika nga nila’y golden years ng MMFF ngayong taon. Siya rin ang kilalang humulma ng disenyo ng ilang sikat na statues sa ilang malls sa Pilipinas kagaya ng “The Time Sculpture” sa SM Megamall, “The Victor” sa Bridgetown, Pasig City at ang “Bayani” sa Double Dragon sa Pasay City.

Sa eksklusibong panyam ng Balita, ibinahagi ni Figueras ang kaniyang naging idea raw sa nasabing pamosong MMFF trophy.

National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

“It was really about designing something that represented 50 years, five decades of film making and it’s really this idea of the resilience and storytelling legacy of the Filipino people,” ani Figueras.

Binigyang-diin din ni Figueras ang partikular na disensyo na nakapalibot sa naturang trophy.

“It’s a film strip of 50 segments that represents each year that wraps all the way up to the front. And in that city, you can actually see your reflection,” saad ni Figueras.

Karangalan ding itinuturing ni Figueras na ang kaniyang obra ang mismong iginawad sa mga nagwagi sa MMFF.

“I’m so honored, I’m a Filipino born, come back here to the Philippines, create some of the largest icons, it’s just happier and to create something small that has much significance. It’s really an honor to me.”.

Samantala, narito ang listahan ng mga nagsipagwagi sa MMFF 2024.

KAUGNAY NA BALITA: Listahan ng mga nagwagi sa 2024 MMFF Gabi ng Parangal