February 06, 2025

Home BALITA

'Hindi raw nirespeto?' Muling pagbalik ni Mali sa Manila Zoo, umani ng reaksiyon

'Hindi raw nirespeto?' Muling pagbalik ni Mali sa Manila Zoo, umani ng reaksiyon
Photo courtesy: Manila Bulletin file photo

Tila marami ang umaalma sa muling pagbabalik sa Manila Zoo ng sikat na elepanteng si Mali. 

Si Mali ang kaisa-isang elepante sa Pilipinas na pumanaw noong Nobyembre 28, 2023. 

KAUGNAY NA BALITA: Elepanteng si 'Mali' sa Manila Zoo, pumanaw na

Halos isang taon matapos ang kaniyang pagpanaw, muli siyang naibalik sa kaniyang naging permanenteng tahanan matapos sumailalim ang kaniyang labi sa tinatawag na “taxidermy,”  isang proseso ng pagpe-preserba sa patay na katawan o bangkay ng isang hayop para i-display o pag-aralan sa pamamagitan ng mga kemikal.

Sen. Bato handa raw maging patas sa impeachment trial ni VP Sara

Noong Disyembre 16 nang pormal na makabalik sa pangangalaga ng Manila Zoo ang preserve remains ni Mali upang muli raw itong masilayan ng publiko, sa kabila ng kaniyang pagpanaw. 

Bunsod nito, inulan ng samu’t saring reaksiyon ang paglagak muli ni Mali sa nasabing Zoo.

“Even Mali is dead, she's still entertaining people. Let her rest.”

“Poor guy, can’t even rest in peace after in prison for his whole life.”

“Poor creature, been in captivity even after her death.”

“Exploited in life and even more in death. What a shame Manila Zoo.”

“Replica na lang sana yung ginawa nyo kawawa na yung elepante, ‘di na nakapag pahinga.”

“Just for the sake of MONEY!”

Maging ang Kapamilya actress na si Nadine Lustre at boyfriend na si Christophe Bariou ay inalmahan ang kawalang respeto daw sa labi ni Mali.

KAUGNAY NA BALITA: Nadine, jowa pumalag sa taxidermy ng elepanteng si Mali sa Manila Zoo

Matatandaang minsan na ring binansagang “world’s loneliest elephant” si Mali dahil umano sa pananatili nito sa Manila Zoo nang mag-isa sa loob ng 50 taon.